Ang chikungunya ay naisasalin sa mga tao sa pamamagitan mga lamok na naimpeksyon ng Chikungunya virus. Kabilang sa mga sintomas ang lagnat, pantal at masakit na mga kasukasuan. Ang virus ay karaniwang natatagpuan sa Africa, Asia, sa Kanlurang Pasipiko at ang Americas. Ang mga taong naglalakbay sa mga apektadong lugar ay dapat iwasan ang mga kagat ng lamok upang mapigilan ang impeksyon.
Ang impeksyon ng Chikungunya virus (chikungunya) ay dulot ng virus na ikinakalat ng dalawang uri ng mga lamok:
Kabilang sa mga sintomas ng chikungunya ang:
Kadalasang magkakaroon ng mga sintomas 7-10 araw pagkatapos makagat ng naimpeksyong lamok.
Karamihang mga tao na naimpeksyon ng chikungunya virus ay gagaling pagkatapos ng ilang linggo. May mga taong maaaring makaranas ng pagkapagod na nagtatagal ng maraming linggo at pananakit ng kasukasuan ng maraming buwan.
Nagkakaroon ang mga tao ng impeksyon ng chikungunya virus pagkatapos makagat ng isang lamok na naimpkesyon ng virus. Ang chikungunya ay hindi direktang ikinakalat ng isang tao papunta sa ibang tao.
Naiimpekyunan ang mga lamok kapag ang mga ito ay kumakagat sa isang tao na may chikungunya virus sa kanilang dugo. Kapag nahawaan na, dumarami ang virus sa loob ng lamok at maaaring impeksyunan ang ibang tao kapag sila ay kinagat ng lamok.
Ang Chikungunya virus ay nangyayari sa Africa, Asia, sa Americas at sa Kanlurang Pasipiko. Ang mga tao na naglalakbay sa mga lugar kung saan nangyayari ang chikungunya ay nanganganib na magkaroon ng impeksyon kung makagat ng mga uri ng lamok na maaaring magkalat ng impeksyon (Dengue mosquito o Asian Tiger mosquito).
Ang chikungunya ay maaaring mas malala para sa:
Walang kasalukuyang bakuna na aprubado laban sa chikungunya sa Australya.
Upang pigilan ang mga kagat ng lamok, gawin ang mga hakbang na ito:
Bilang karagdagan sa mga pangkalahatang hakbang ng proteksyon sa itaas, kapag naglalakbay sa ibang bansa, dapat ka ring:
Para sa impormasyon tungkol sa pagpigil ng kagat ng lamok, tingnan ang Mosquitoes are a Health Hazard factsheet (Ang mga Lamok ay Panganib sa Kalusugan na Papel Pangkaalaman). Ang website ng Smartraveller ay mayroon ding impormasyon sa kalusugan para sa mga partikular na destinasyon.
Maaaring kumuha ang iyong doktor ng maliit na sukat ng iyong dugo at ipasuri ito para sa chikungunya virus. Maaaring mangangailangan ng pangalawang pagsusuri ng dugo upang ikumpirma ang kamakailan na impeksyon.
Walang partikular na gamot para sa chikungunya. Aabisuhan ka ng iyong doktor na gamutin ang iyong mga sintomas gamit ang mga gamot na laban sa pamamaga (anti-inflammatory).
Ipinapaalam ng mga laboratoryo sa kanilang lokal na public health unit (pampublikong yunit sa kalusugan) kapag nakumpirma nila na mayroong tao na may chikungunya virus.
Sisiyasatin ng mga public health unit ang bawat kaso upang matukoy kung saan maaaring naimpeksyunan ang tao.
Mahalaga ang impormasyon na ito upang makatulong na matukoy kung ang pagkalat ay nangyayari sa mga lugar na itinuturing na mababa ang panganib. Layunin din nito na pigilan ang pagkalat sa mga lugar sa Australya na mayroong uri ng lamok na maaaring magkalat ng chikungunya.
Kung mayroon kang mga sintomas ng chikungunya at nag-aalala ka, agarang makipag-usap sa iyong doktor o sa emerhensya, tumawag sa Triple Zero (000).
Para sa karagdagang payo, tumawag sa Translating and Interpreting Service (Serbisyo ng Pagsasalinwika at Pag-iinterprete (TIS)) sa 131 450 para sa libre at kumpidensyal na tulong sa wika. Sabihin sa kanila ang iyong wika at gusto mong makipag-usap sa:
Para sa karagdagang impormasyon sa pagpigil ng chikungunya, tingnan ang:
Tingnan ang Mosquitoes are a health hazard Factsheet (Ang mga Lamok ay Panganib sa Kalusugan Papel Pangkaalaman) at Staying safe and healthy overseas (Manatiling ligtas at malusog sa ibang bansa).