Ang dengue virus ay naihahawa sa mga tao sa pamamagitan ng mga lamok na naimpeksyon ng dengue virus. Ang impeksyon ng dengue virus (na tinatawag din na lagnat na dengue) ay kinabibilangan ng matinding parang trangkaso na mga sintomas. Ang virus at mga uri ng lamok na nagkakalat nito ay matatagpuan sa mga bansang tropical at sub-tropical ng Asia, Africa at South America. Ang mga taong naglalakbay na papunta sa mga apektadong lugar ay dapat na iwasan ang mga kagat ng lamok upang mapigilan ang impeksyon.
Ang dengue ay isang impeksyon na dulot ng isa sa apat na mga virus ng dengue (DENV-1, DENV-2, DENV-3 and DENV-4). Ang dengue virus ay maaaring ikalat ng dalawang uri ng lamok: ang Dengue mosquito (Aedes aegypti) at ang Asian Tiger mosquito (Aedes albopictus). Naaapektuhan ng dengue ang mga sanggol, bata at mga may edad.
Ang taong may lagnat na dengue ay maaaring magpakita ng matinding parang trangkaso na mga sintomas pati ang:
Maaaring magkakaiba ang mga sintomas sa pagitan ng mga sanggol, bata at mga may edad. Maaaring lilitaw ang mga sintomas sa pagitan ng 3 at 14 na araw (kadalasan ay 4-7 araw) pagkatapos na makagat ng naimpkesyong lamok. Ang lagnat ay karaniwang nagtatagal ng mga 6 na araw. Ang matinding lagnat na dengue ay hindi karaniwan ngunit maaaring humantong sa kamatayan kung mayroong mga problema na kagaya ng:
Ang mga babalang palatandaan na dapat manmanan ay nangyayari 3-7 na araw pagkatapos ng unang mga sintomas, kasabay ang isang pagbaba ng lagnat (temperaturang mas mababa sa 38°C), kabilang ang:
Kung mayroon kang mga sintomas na ganito, makipag-usap sa iyong doktor o agad na magpunta sa emergency department.
Ang mga tao ay nagkakaroon ng lagnat na dengue pagkatapos na makagat ng isang lamok na naimpeksyunan ng virus.
Maiimpeksyunan ang lamok kapag kakagatin nito ang isang tao na may dengue virus sa kanilang dugo. Lalago ang virus sa loob ng lamok at maiimpeksyunan ng lamok ang iba pang mga tao kapag sila ay kakagatin nito. Ang virus ay maaaring nasa loob ng dugo ng isang tao na nakagat ng isang lamok na may taglay na dengue virus sa pagitan ng 3 at 14 na araw pagkatapos na makagat.
Ang virus ay hindi direktang ikinakalat ng isang tao papunta sa ibang tao. Ang lagnat na dengue ay maaari ring nakukuha sa pamamagitan ng pagsasalin ng dugo, mga tissue o organ transplant, sa pamamagitan ng mga pinsala ng karayom o sa pamamagitan ng paghipo sa mucous membrane ng dugo na naimpeksyunan ng dengue virus.
Ang mga tao na naglalakbay sa mga lugar na apektado ng dengue ay nanganganib na makasagap ng sakit. Ang dengue virus at ang mga uri ng lamok na nagkakalat nito ay matatagpuan sa mga tropical at sub-tropical na mga lugar ng Asia, Africa at South America.
Karamihang mga lugar sa Australya ay walang mga lamok na nagkakalat sa dengue virus, maliban sa Central at Far North Queensland (kung saan ay maaaring matagpuan ang lamok ng Dengue) at sa Torres Strait (kung saan ang Asian Tiger mosquito ay maaaring matatagpuan). Ang mga pagsiklab ng lagnat na dengue ay nangyayari sa mga lugar na ito ng Queensland kapag mayroong naimpeksyunan sa ibang bansa, at pagkatapos ay nakagat ng isang lokal na Asian Tiger mosquito o Dengue mosquito, at ipapasa ng lamok ang virus sa ibang tao.
Ang mga taong may lagnat na dengue ay kadalasang nagkakaroon ng matagal na immunity (resistansya) sa ganoong partikular na uri ng dengue virus ngunit nanganganib pa rin ng impekyon sa ibang uri ng dengue virus.
Walang kasalukuyang bakuna na pipigil sa unang impeksyon (initial dengue infection) ng dengue.
Mga karagdagang impeksyon (na tinatawag din na secondary infection) ay maaaring mapigilan sa pamamagitan ng Dengvaxia®, gayunpaman, itong bakuna laban sa dengue ay may mahigpit na kriterya ng pagiging karapat-dapat. Makipag-usap sa iyong doktor tungkol sa pagbabakuna.
Protektahan ang iyong sarili laban sa mga kagat ng lamok sa pamamagitan ng mga sumusunod na hakbang:
magsuot ng mapusyaw ang kulay, mahabang manggas na mga damit, mahabang pantalon at may lukob na sapatos. Maaaring tatagos ang kagat ng mga lamok sa masisikip na damit.
Maglagay ng mosquito repellent na naglalaman ng picaridin, DEET o langis ng lemon eucalyptus, na pantay-pantay sa lahat na bahagi ng nakalantad na balat. Ang mga natural o gawa sa bahay na mga repellent ay hindi sobrang mabisa sa pagprotekta sa iyo laban sa mga lamok. Basahin ang direksiyon upang malaman kung gaano kadalas ka dapat na muling maglagay ng repellent. Palaging magpahid muna ng sunscreen at pagkatapos ay maglagay ng repellent.
Maging mas lalong mag-ingat sa mga oras ng pinaka-agresibong pangangagat ng mga lamok.
Alisin ang mga tubig na nag-iipon sa paligid ng bahay dahil maaari itong maging pang-itlugan ng mga lamok.
Gumamit ng mga kulambo, at lagyan ng screen ang mga bintana at pinto.
Kapag naglalakbay sa ibang bansa o sa mga lugar sa Austraya kung saan maaaring matagpuan ang mga lamok na dengue, dapat ka ring:
Mamalagi at matulog sa mga silid na may screen o air-condition.
Gumamit ng isang kulambo kung ang lugar na tutulugan ay nakalantad sa labas. Ang mga epektibong kulambo ay nalagyan ng pyrethroid insecticide, tulad ng permethrin. Maaaring bumili ng mga kulambo na nalagyan na (pre-treated) bago maglakbay, o maaaring malagyan ang mga kulambo pagkatapos na mabili.
Magkaroon ng kamalayan at maging mas lalong mag-ingat sa mga oras ng pinaka-agresibong pangangagat ng mga lamok. Ang ilang uri ng mga lamok na katulad ng Aedes aegypti ay mangangagat sa buong araw.
Lumayo sa mga kilalang lugar na may matataas na pagkalat ng mga sakit na dala ng lamok o mga pagsiklab.
Maaaring kumuha ang iyong doktor ng maliit na sukat ng iyong dugo at ipasuri ito para sa dengue virus. Maaaring mangangailangan ng pangalawang pagsusuri ng dugo upang ikumpirma ang kamakailan na impeksyon.
Walang partikular na gamot para sa lagnat na dengue. Dapat na magpatingin sa doktor ang mga pasyente, magpahinga at uminom ng maraming likido. Maaaring uminom ng paracetamol upang maibaba ang lagnat at makakatulong sa kirot ng kasukasuan. Gayunpaman, ang aspirin o ibuprofen ay hindi dapat na inumin dahil ang mga ito ay maaaring makadagdag ng panganib ng pagdurugo.
Para sa matinding dengue, kinakailangan ang emerhensyang pangangalagang pangmedisina para sa masinsinang pagsusubaybay at pagpapagamot sa ospital.
Ipinapaalam ng mga laboratoryo sa kanilang lokal na public health unit (pampublikong yunit sa kalusugan) kapag nakumpirma nila na mayroong tao na may lagnat na dengue. Makikipag-usap ang mga public health unit sa bawat kaso upang matukoy kung saan naimpeksyunan ang tao. Mahalaga ang impormasyon na ito upang makatulong na makilala kung ang sakit ay kumakalat sa mga lugar na itinuturing na may mababang panganib at upang mapigilan ang pagkalat.
Kung mayroon kang mga sintomas ng dengue at nag-aalala ka, agarang makipag-usap sa iyong doktor o sa emerhensya, tumawag sa Triple Zero (000).
Para sa karagdagang payo, tumawag sa Translating and Interpreting Service (Serbisyo ng Pagsasalinwika at Pag-iinterprete (TIS)) sa 131 450 para sa libre at kumpidensyal na tulong sa wika. Sabihin sa kanila ang iyong wika at gusto mong makipag-usap sa:
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pagpigil ng dengue, tingnan ang: