Ang Hepatitis A ay isang impeksyon ng virus sa atay. Ang virus ay nakakahawa sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom ng kontaminadong pagkain o tubig o sa pamamagitan ng direktang pagkalantad sa isang may impeksyon na tao. Ang pagbabakuna at mabuting kalinisan ay pumipigil sa impeksyon.
Ang 'Hepatitis' ay nangangahulugan ng pamamaga o paglaki ng atay. Maaari itong sanhi ng mga kemikal o droga, o ng iba’t-ibang uri ng mga impeksyon mula sa virus.
Ang Hepatitis A virus ay isang uri ng hepatitis. Ang impeksyon mula sa isang uri ng hepatitis virus ay hindi nakakapagbigay ng proteksyon laban sa impeksyon mula sa ibang mga hepatitis virus. Ang Hepatitis A ay hindi karaniwan sa Australya, naiimpeksyunan ang karamahing tao kapag sila ay naglalakbay sa ibang bansa.
Kabilang sa mga sintomas ng hepatitis A ang:
Ang mga sintomas ng hepatitis ay karaniwang nakikita mga apat na linggo pagkatapos mahawahan ng virus. Kung minsan, ang mga sintomas ay lilitaw sa pagitan ng dalawa at pitong linggo.
Ang karamdaman ay kadalasang hindi gaanong matindi at nagtatagal ng isa hanggang dalawang linggo. Halos lahat ng mga tao ay lubusang gumagaling.
Ang ilang tao, lalo na ang mga taong may panghabang-buhay na sakit sa atay, ay maaaring makaranas ng mas malalang mga sintomas. Ang mga maliliit na bata na naiimpeksyunan ay karaniwang walang mga sintomas.
Ang Hepatitis A ay hindi nagdudulot ng pangmatagalang sakit sa atay at ang mga pagkamatay nang dahil sa hepatitis A ay talagang nangyayari ngunit napakabihira. Paminsan-minsan ay may mga nao-ospital dahil sa sakit at maaaring bumabalik at lalala ang mga sintomas pagkatapos na tila nawala na ang sakit.
Ang malaking bilang ng mga hepatitis A virus ay natatagpuan sa faeces (tae) ng isang naimpeksyon na tao. Nabubuhay ang virus sa kapaligiran ng ilang linggo sa mga tamang kondisyon.
Ang Hepatitis A ay karaniwang kumakalat kapag ang virus mula sa isang may inmpeksyon na tao ay nalulunok ng ibang tao sa pamamagitan ng:
Ang mga pagsiklab ng hepatitis A ay natunton sa:
Maaaring ipasa ng mga may impeksyong tao ang virus sa iba, karaniwan ay mula sa dalawang linggo bago sila magkaroon ng mga sintomas hanggang sa isang linggo pagkatapos nilang magkaroon ng jaundice (paninilaw ng mga bola ng mata at balat). Kung hindi sila magkakaroon ng jaundice, maaari nilang ipasa ang virus ng dalawang linggo pagkatapos nilang magkaroon ng mga sintomas. Dapat na mag-ingat pagkatapos nito dahil ang virus na nasa tae ay maaari pa ring nakakahawa ng mas matagal na panahon.
Ang impeksyon ng hepatitis A ay nagpapatuloy na isang problema para sa mga tao na naglalakbay sa ibang bansa, lalo na sa mga taong bumibisita sa mga umuunlad na bansa kung saan karaniwan ang hepatitis A.
Iyong mga hindi pa nagkaroon ng hepatitis A at iyong hindi pa nabakunahan laban nito ay nanganganib na mahawaan ng sakit.
Ang isang ligtas at mabisang bakuna ay makukuha laban sa hepatitis A.
Maaaring magtatagal ng dalawang linggo o mahigit pa upang makapagbigay ng pinakamahusay na proteksyon. Dalawang dosis na anim na buwan ang pagitan ay inirerekomenda para sa pangmatagalang proteksyon.
Ang bakuna ay maaaring maprotektahan ang isang tao na nalantad sa virus kung ibibigay sa loob ng dalawang linggo ng pagkakalantad.
Inirerekomenda ang pagbabakuna para sa mga sumusunod na pangkat na may mas mataas na panganib:
Ang lahat ay dapat na palaging lubusang maghugas ng kanilang mga kamay gamit ang sabon at umaagos na tubig ng hindi bababa sa 10 segundo at patuyuin ang mga ito gamit ang isang malinis na tuwalya:
Ang mga galing sa ibang bansa na produktong ineyelo na prutas ay naging mga pinagmumulan ng maraming mga pagsiklab ng hepatitis A. Ang pagluluto sa mga produktong ito bago kainin ay nag-aalis sa panganib ng hepatitis A at iba pang mga potensyal na impeksyon na nasa pagkain.
Kung mayroon kang hepatitis A:
Lahat ng mga taong may hepatitis A ay dapat na magpatingin sa kanilang doktor bago bumalik sa trabaho o paaralan.
Ang mga sumusunod na tao ay may mas malaking panganib na magpasa ng hepatitis A sa iba at dapat na magpatingin sa kanilang doktor bago bumalik sa trabaho o paaralan:
Ang isang doktor ay magda-diagnose para sa hepatitis A batay sa mga sintomas ng pasyente at magsasagawa ng isang pagsusuri ng dugo para sa hepatitis A antibodies upang makumpirma. Paminsan-minsan, ay maaari ring gamitin ang hepatitis A DNA testing (PCR) para sa diagnosis ng mga maliliit na sukat ng dugo o tae.
Walang partikular na paggagamot para sa hepatitis A.
Ang pagbabakuna o isang iniksyon ng immunoglobulin ay maaaring pigilan ang sakit kung maibibigay sa loob ng dalawang linggo ng pagkakalantad sa nahawahang tao. Ang mga kabahay at mga karelasyon ng isang nahawahang tao ay maaaring mangangailangan na mabakunahan o bigyan ng immunoglobulin.
Ang pagpapahinga, pag-inom ng maraming likido, at pagkain nang maayos ay inirerekomenda para sa mga taong may hepatitis A.
Ang pag-iwas sa alak ay makakabawas din sa pagkabahala ng atay.
Ang mga doktor, ospital at mga laboratoryo ay dapat na palihim na ipabatid ang mga kaso ng impeksyon ng hepatitis A sa lokal na public health unit.
Ang mga manggagawa ng public health unit ay makikipagtulungan sa doktor, pasyente o sa pamilya ng pasyente upang kilalanin ang mga nalapitang mga tao na nanganganib ng impeksyon at makikipag-ayos sa mga taong nanganganib, na makatanggap ng impormasyon tungkol sa sakit at kung kinakailangan, ang pagpapagamot na panghadlang.
Ang mga manggagawa ng Public Health Unit ay sumusunod sa mga espesyal na patnubay para sa pamamahala ng mga kaso ng hepatitis A sa mga tao na dumadalo o nagtatrabaho sa isang sentro ng pangangalaga ng bata, at sa mga taong humahawak ng pagkain na ibinebenta.
Sinusuri rin ng mga manggagawa ng public health unit ang mga pagsiklab ng hepatitis A upang tukuyin ang sanhi ng pagsiklab, pangasiwaan ang pagkalat nito at pigilan ang karagdagang mga impeksyon.
Para sa karagdagang payo, tumawag sa Translating and Interpreting Service (Serbisyo ng Pagsasalinwika at Pag-iinterprete (TIS)) sa 131 450 para sa libre at kumpidensyal na tulong sa wika. Sabihin sa kanila ang iyong wika at gusto mong makipag-usap sa: