Listeriosis

​Ang Listeria ay isang karamdaman na kadalasang sanhi ng pagkain ng mga pagkaing kontaminado ng bakterya na kilala bilang Listeria monocytogenes. Ang Listeriosis ay isang mapanganib na sakit sa mga nagdadalantaong babae at mga taong may mahinang sistema ng panangga sa sakit. Ginagamot ang impeksyon gamit ang antibiotics.

Last updated: 18 December 2025
Download
​​

Ano ang Listeriosis?

Ang Listeriosis ay isang hindi karaniwang sakit na sanhi ng pagkain sa pagkaing kontaminado ng bakterya na tinatawag na Listeria monocytogenes. Ang bakterya na  Listeria ay karaniwang nasa kapaligiran at sa ilang mga hilaw na pagkain. Ang pagkain ng mga pagkaing naglalaman ng bakterya na Listeria ay hindi nagdudulot ng sakit sa karamihang tao. Karaniwan ay may 20 hanggang 30 kaso ng listeriosis na iniuulat bawat taon sa NSW. Bagamat bihira ang listeriosis, mayroon itong mataas na porsyento ng mga namamatay.


Ano ang mga sintomas?

The incubation period (between infection and symptoms) can vary from three to 70 days but on average is about three weeks. Infections may cause septicaemia (blood poisoning) and meningitis (inflammation of the brain). Infection during pregnancy can lead to miscarriage, stillbirth and infection of the newborn.

Ang tagal ng incubation (ang pagitan ng impeksyon at mga sintomas) ay maaaring magkaiba-iba mula tatlo hanggang 70 na araw, ngunit karaniwan ay mga tatlong linggo. Ang mga impeksyon ay maaaring magdulot ng septicaemia (pagkalason ng dugo) at meningitis (pamamaga ng utak). Ang impeksyon sa panahon ng pagdadalantao ay maaaring hahantong sa pagkalaglag ng pagbubuntis, pagkamatay ng sanggol sa sinapupunan at impeksyon ng batang kasisilang.

Symptoms include: fever, muscle aches, and sometimes gastrointestinal symptoms such as nausea and diarrhoea. In the more severe form, symptoms also include collapse and shock. If infection spreads to the central nervous system, symptoms such as headache, stiff neck, confusion, loss of balance, convulsions and coma can occur. About a third of these patients may die.

Kasama sa mga sintomas ang: lagnat, pananakit ng kalamnan, at kung minsan ay mga gastrointestinal na sintomas na kagaya ng pagduduwal at pagtatae. Sa mas malubhang anyo, kabilang din sa mga sintomas ang pagbagsak at shock. Kung kumalat ang impeksyon sa central nervous system, ang mga sintomas na kagaya ng pananakit ng ulo, paninigas ng leeg, pagkalito, pagkawala ng balanse, pangingisay at koma ay maaaring mangyari. Maaaring mamatay ang halos isang katlo ng mga pasyenteng ito.

Paano ito kumakalat?

Ang Listeria ay laganap sa kalikasan, na karaniwang idinadala ng maraming mga uri ng parehong mga alagang hayop at mga mababangis na hayop. Ang hilaw na karne, gatas na hindi pasteurised, hilaw na prutas at mga gulay ay maaaring maging kontaminado ng bakteryang iyon.

​​Ang mga taong nanganganib ay maaaring mahawahan ng listeriosis sa pamamagitan ng pagkain ng mga pagkaing kontaminado ng bakterya na Listeria. Maaaring ipanganak ang mga sanggol na may listeriosis kung ang kanilang mga ina ay kumakain ng pagkain na kontaminado noong panahon ng kanilang pagbubuntis. Ang mga pagsiklab ng karamdaman ay may kaugnayan sa hilaw na gatas, mga malambot na keso, mga nauna nang inihanda (pre-prepared) na salad (halimbawa, mula sa mga salad bar), mga hindi nahugasan na gulay, paté, malamig na naputol-putol na manok, rockmelon at mga prutas na hiwa-hiwa na (pre-cut) at fruit salad.

Sino ang nanganganib?

Mga buntis at sumisibol na sanggol (fetus), mga kasisilang, mga matatanda at mga tao na may huminang sistema ng panangga sa sakit (halimbawa: mga tao na gumagamit ng gamot o laban sa kanser o steroids, at mga taong may diabetes, sakit sa bato, sakit sa atay at HIV infection.)

Paano ito napipigilan?

Upang maiwasan ang listeriosis:

  • iwasan ang mga mataas ang panganib na pagkain (gaya ng inilarawan sa ibaba)
  • lubusang lutuin ang hilaw na pagkain mula sa mapagkukunan ng hayop, tulad ng karne ng baka, tupa, baboy, o manok
  • lubusang hugasan ang mga hilaw na gulay at prutas bago kainin
  • panatilihing hiwalay ang hilaw na karne mula sa mga gulay, lutong pagkain, at pagkain na handa nang kainin (iyan ay, huwag payagan ang dugo mula sa hilaw na karne na mapunta sa ibang pagkain)
  • gumamit ng ibang sangkalan para sa hilaw na karne at mga pagkain na handa nang kainin (halimbawa, mga lutong pagkain at mga salad)
  • hugasan ang iyong mga kamay bago at pagkatapos maghanda ng pagkain
  • hugasan ang mga kutsilyo at mga sangkalan pagkatapos humawak ng hindi lutong mga pagkain
  • hugasan ang iyong mga kamay pagkatapos humawak ng mga hayop
  • ang mga pagkain na madaling masira ay dapat na itabi sa isang malamig (mas mababa kaysa 5 digree Celsius) na refrigerator at hugasan at kainin sa lalong madaling panahon.

Ang mga tao na nasa panganib ng listeriosis ay hindi dapat na kumain ng:

  • rockmelon
  • prutas na nabibiling pira-piraso na o prutas na nabibiling handa na, kabilang ang fruit salad (nakapakete, mula sa mga buffet o mula sa mga salad bar)
  • nakapaketeng malamig na mga salad, kabilang ang coleslaw (nakapakete, mula sa mga buffet o mula sa mga salad bar)
  • iniyelo na mga gulay, maliban kung luto na
  • luto-na na malamig na manok (buo, baha-bahagi o pira-piraso)
  • malamig na karne mula sa delicatessen (bagong hiwa, nakapakete o mula sa mga sandwich bar)
  • paté o mga palaman na karne
  • hilaw na pagkaing-dagat
  • pagkaing-dagat na pinausukan (halimbawa, smoked salmon), maliban kung luto at mainit na inihain
  • pinalamig na pagkaing-dagat (halimbawa, hipon na handa ng kainin)
  • gatas o mga produktong mula sa gatas na hindi pasteurised
  • mga kesong malambot tulad ng brie, camembert, ricotta, o blue-vein (maliban kung luto at kakainin habang mainit)
  • soft serve ice cream
  • umusbong na mga binhi

Paano ito mai-diagnose?

Ang diyagnosis ng listeriosis ay maaaring kompirmahin sa pamamagitan ng pagsusuri ng dugo o iba pang mga pagsusuri na hiniling ng doktor.

Paano ito ginagamot?

Kasali sa paggagamot ang antibiotics at supportive therapy. Kapag nangyayari ang impeksyon sa panahon ng pagbubuntis, kadalasang pinipigilan ng antibiotics ang impeksyon ng foetus o bagong panganak. Kahit may maagap na paggagamot, ang ilang mga impeksyon ay nagreresulta sa pagkamatay ng pasyente, lalo na sa mga matatanda at sa mga taong may ibang mapanganib na problemang medikal.

Ano ang tugon para sa kalusugan ng madla?

Dapat n​a ipaalam ng mga laboratoryo ang mga kaso ng listeriosis sa lokal na public health unit.

Makikipanayam ang mga manggagawa ng public health unit sa doktor at pasyente (o pamilya) upang malaman kung paano nangyari ang impeksyon.

Ang NSW Food Authority, sa pakikipagtulungan ng NSW Health, ay responsable sa pagsisiyasat sa kapaligiran ng listeriosis.

Kung nanganganib ka sa listeriosis at mayroong mga itatanong, dapat kang makipag-ugnay sa iyong tagapagbigay ng pangangalaga sa kalusugan o lokal na public health unit.

Mga karagdagang mapagkukunan

Para sa karagdagang payo, tumawag sa Translating and Interpreting Service (Serbisyo ng Pagsasalinwika at Pag-iinterprete (TIS)) sa 131 450 para sa libre at kumpidensyal na tulong sa wika. Sabihin sa kanila ang iyong wika at gusto mong makipag-usap sa:

  • iyong lokal na public health unit sa 1300 066 055
  • Healthdirect sa 1800 022 222 para sa libreng 24-oras na payo sa kalusugan

Para sa karagdagang impormasyon sa pagpigil ng Listeriosis, tingnan ang:

Current as at: Thursday 18 December 2025
Contact page owner: Communicable Diseases