Ang Shigellosis ay isang sakit na sanhi ng bakteryang Shigella. Ito ay nagdudulot ng pagtatae at madaling maihawa sa pagitan ng mga tao.
Ang impeksyon na Shigella, na tinatawag din na shigellosis, ay sanhi ng bakteryang Shigella. Ang bakterya ng Shigella ay maaaring ikalat sa pamamagitan ng pagkakalantad sa faeces (tae) ng isang may impeksyong tao, o sa pamamagitan ng pag-inom at pagkain ng kontaminadong tubig o pagkain. Ito ay karaniwang magdudulot ng pagtatae (diarrhoea).
Kabilang sa mga sintomas ng impeksyon ng Shigella ay ang:
Kadalasang nag-uumpisa ang mga sintomas 1-3 araw pagkatapos kang mahawahan. Ang mga sintomas ay kadalasang nagtatagal ng 4-7 na araw, ngunit maaaring magtatagal nang mas matagal.
Para sa ilang tao, ang mga sintomas ay maaaring hindi magsisimula ng hanggang 1 linggo o maaari ring hindi sila magkakaroon ng mga sintomas.
Natatagpuan ang Shigella sa faeces (tae). Magkakaroon ka ng impeksyon na Shigella sa pamamagitan ng:
Kabilang sa mga tao na pinaka-nanganganib ng impeksyon na Shigella ay:
Upang maiwasan ang pagkakaroon ng impeksyon na Shigella, dapat na:
Ang mga tao na naglalakbay sa mga bansa kung saan ang Shigella ay karaniwan ay dapat ding:
Ang mga taong may impeksyon na Shigella ay dapat na:
Magsusuri ang isang doktor ng isang maliit na piraso (sample) ng faeces (tae).
Ang mga taong may impeksyon na Shigella ay kadalasang nireresetahan ng kanilang doktor ng antibiotics upang mabawasan ang kalubhaan at tagal ng karamdaman. Maaari ring paikliin ng antibiotics ang tagal na nakakahawa ang tao sa iba.
Ang pag-inom ng maraming likido ay mahalaga upang maiwasan ang labis na pagkauhaw (dehydration). Ang mga maliliit na bata (lalo na ang mga sanggol) ay nanganganib sa sobrang pagkauhaw mula sa pagtatae at dapat na magpatulong sa doktor.
Ang mga laboratoryo ay napag-utusan na ipagbigay-alam ang mga kaso ng Shigella sa lokal na Public Health Unit. Ang mga manggagawa ng public health unit ay makikipanayam sa mga kaso at sa kanilang mga tagapag-alaga at susubukang kilalanin ang pinagmulan ng impeksyon at pangasiwaan ang mga karagdagang kaso.
Para sa karagdagang payo, tumawag sa Translating and Interpreting Service (TIS) sa 131 450 para sa libre at kumpidensyal na tulong sa wika. Sabihin sa kanila ang iyong wika at gusto mong makipag-usap sa: