Ang typhoid (tipus) ay sanhi ng dalawang magkakaibang mga serotypes ng bakteryang Salmonella. Ito ay karaniwan sa mga bansa na may mahinang sanitasyon o hindi ginagamot (untreated) na inuming tubig. Ang pagbabakuna laban sa Typhoid ay lubos na inirerekomenda para sa mga tao na bumibisita sa mga kaibigan at kamag-anak sa mga hindi gaanong maunlad na bansa.
Ang typhoid at paratyphoid ay mga sakit na sanhi ng dalawang ibang uri ng bakteryang Salmonella. Ang mga sakit na ito ay nagdudulot ng magkaparehong karamdaman. Ang mga impeksyon na paratyphoid ay kadalasang hindi gaanong malala at hindi gaano ang pagka-karaniwan kumpara sa typhoid.
Sa Australya, karamihan sa mga impeksyon na typhoid at paratyphoid ay nakukuha sa ibang bansa. Ang mga karamdamang ito ay bihira sa Australya.
Ang mga impeksyon na ito ay iba sa impeksyon ng ibang mga uri ng Salmonella na kadalasang nagdudulot ng gastroenteritis (gastro).
Maaaring makaranas ang mga tao ng banayad o matinding mga sintomas. Maaaring kasama sa mga sintomas ang:
Ang mga sintomas ng typhoid ay kadalasang nagsisimula ng 8-14 na araw pagkatapos ng impeksyon. Ang mga sintomas ay maaaring lilitaw na kasing-aga ng 3 araw o kasing-huli ng 60 araw pagkatapos ng impeksyon. Ang mga sintomas ng Paratyphoid ay kadalasang lumilitaw sa loob ng 1-10 araw.
Kung hindi gagamutin ang mga ito, ang typhoid at paratyphoid ay maaaring nakakamatay. Mahalaga na makipag-usap sa isang doktor sa sandaling mayroon kang mga sintomas.
Ang karamihang tao ay lubos na gumagaling pagkaraan ng ilang linggo dahil sa pagpapagamot at ang mga sintomas ay karaniwang humihinto sa loob ng isang linggo.
Ang ilang tao, kahit wala silang mga sintomas ng karamdaman ay magpapatuloy na magkaroon ng bakterya sa kanilang mga tae at/o ihi ng mahigit sa isang taon. Ang mga taong ito ay tinatawag na mga carriers (tagapagdala) at maaaring makahawa sa iba.
Ang typhoid ay mas karaniwan sa mga bansa na may mahinang sanitasyon, mahinang kalinisan sa kamay at pamantayan sa paghahanda ng pagkain at hindi ginagamot na inuming tubig.
Ang bakterya na sanhi ng typhoid at paratyphoid ay natatagpuan sa faeces (tae) ng mga may impeksyong indibidwal at kung minsan ay sa kanilang ihi.
Kumakalat ang typhoid at paratyphoid kapag ang mga tao ay kumakain o umiinom ng pagkain o tubig na kontaminado ng tae. Maaaring ilipat ng mga langaw ang bakterya sa pagkain, o ang pagkain ay maaaring lumaki, inihanda sa o inimbak sa kontaminadong tubig.
Ang mga hilaw na prutas at gulay at shellfish (mga pagkaing-dagat na may matigas na balat tulad ng kabibi at alimango) ay dapat na iwasan sa mga hindi gaanong maunlad na bansa.
Sa Australya, ang typhoid at paratyphoid ay kadalasang matatagpuan lamang sa mga taong naglakbay sa mga lugar kung saan ang mga sakit na ito ay pangkaraniwan.
Ang mga taong bumalik sa mga umuunlad na bansa (lalo na sa India, Pakistan at Bangladesh) upang bisitahin ang mga kaibigan at kamag-anak ay may pinakamataas na panganib na makakuha ng sakit.
Ang mga taong nakatira kasama ang isang may impeksyong tao, o ang mga taong naglakbay kasama ang isang taong may impeksyon ng typhoid o paratyphoid, ay dapat na masuri para sa typhoid.
Ang mga taong nagkakaroon ng mga sintomas ay dapat na magpatingin sa kanilang doktor.
Ang mga taong pumupunta sa mga bansa kung saan ang typhoid at paratyphoid ay pangkaraniwan ay dapat na:
Inirerekomenda ang pagbabakuna laban sa typhoid para sa mga may edad na dalawang taon at mas matanda na pupunta sa mga bansa kung saan ang typhoid at paratyphoid ay pangkaraniwan.
Walang pang bakuna laban sa paratyphoid.
Ang mga taong may typhoid o paratyphoid, o iyong may kasambahay na taong may impeksyon ng typhoid ay:
Upang ma-diagnose ang typhoid at paratyphoid, ang iyong doktor o lokal na ospital ay magsusuri ng sample ng dugo o tae.
Ang typhoid at paratyphoid ay maaaring magamot sa pamamagitan ng antibiotics. Kinakailangan ang paggagamot ng antibiotic upang gamutin ang mga tao na walang sintomas ngunit maaaring nagdadala ng typhoid o paratyphoid.
Kung matindi ang mga sintomas, maaaring kakailanganin ang pagpa-ospital.
Ang mga doktor, ospital at mga laboratoryo ay dapat na ipagbigay-alam ang mga kaso ng typhoid o paratyphoid sa lokal na public health unit.
Makikipagpanayam ang mga manggagawa ng public health unit sa doktor o pasyente (o mga tagapag-alaga) upang malaman kung paano nangyari ang pagka-impeksyon.
Ang NSW Food Authority, sa pakikipagtulungan ng NSW Health, ay responsable para sa pag-iimbestiga ng kapaligiran ng mga taong tagahanda ng pagkain na may impeksyon ng typhoid o paratyphoid.
Maaaring mag-abiso ang iyong lokal na public health unit tungkol sa mga exclusion (pagbabawal na pumasok) sa trabaho at paaralan. Ang mga tao na excluded mula sa trabaho ay kakailanganin na magkaroon ng ilang mga pagsusuri ng tae bago sila pahihintulutan na makabalik sa trabaho.
Para sa karagdagang payo, tumawag sa Translating and Interpreting Service (Serbisyo ng Pagsasalinwika at Pag-iinterprete (TIS)) sa 131 450 para sa libre at kumpidensyal na tulong sa wika. Sabihin sa kanila ang iyong wika at gusto mong makipag-usap sa: