Ano ang tuberkulosis (TB)?

Ang TB ay isang impeksyon na sanhi ng bakterya o mga mikrobyo ng TB

Ang TB ay kumakalat sa hangin

Ang TB ay ginagamot sa pamamagitan ng espesyal na antibiotics

Ang mga sintomas ng TB ay maaaring kabilang ang

Pag-ubo nang mahigit sa 2 linggo

Ubo na may uhog o dugo

Lagnat, panginginig o pagpapawis sa gabi

Mabilis na pagbaba ng timbang

Palaging nakakaramdam ng pagkapagod

Kawalan ng ganang kumain

Mga bukol o pamamaga o kirot

Latent (nakatago) o ‘natutulog’ na TB

Ang mga mikrobyo ng TB ay maaaring mananatili sa iyong katawan at hindi ka naaapektuhan na magkasakit

Hindi mo maipapasa ang natutulog na mga mikrobyo ng TB sa ibang tao

Ang natutulog na TB ay maaaring magising at gagawin kang magkasakit

Ang pagsusuri ng TB sa balat o sa dugo ay maaaring makakatukoy ng natutulog na TB

Ang natutulog na TB ay maaaring magamot sa pamamagitan ng espesyal na antibiotics upang mapigilan ang paggising ng mikrobyo ng TB

Sino ang maaaring magkasakit?

Mga tao na nakatira o may mga panahong kasa-kasama ang isang tao na may TB

Ang mga tao na may isang kondisyong medikal o nagpapagamot na nakakaapekto sa kanilang sistema ng panangga sa sakit

Mga bata

Mga tao na ipinanganak o tumira sa mga bansa na may maraming TB

Ano ang dapat kong gawin?

Magpatingin sa iyong GP o sa lokal na klinika ng TB

Magpakuha ng x-ray sa dibdib

Magbigay ng isang maliit na sukat (sample) ng plema

Libreng pagkakasuri at pagpapagamot sa TB

Ang pagsusuri at pagpapagamot sa TB ay libre para sa lahat sa mga klinika ng TB sa NSW.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang health.nsw.gov.au​​.

Current as at: Tuesday 9 June 2026
Contact page owner: Communicable Diseases